a personal blog

Month

March 2012

44 posts

Mar 31, 20121 note
#blabla
Best Teacher

Minsan naisip ko, bakit lagi na lang ako yung dapat lumapit kay Lord? Bakit hindi Niya ako kalabitin man lang pag napapalayo na ako sa Kanya? At bago ka magalit sa’kin, ikinagagalak kong sabihin na nagets ko na yung pattern. Matagal Niya na akong gustong lumapit sa kanya. Ginagawa Niya yun sa napakaraming paraan. At ito, yung failures ko ngayon, way Niya ‘to ng pagsabi sa’kin na, “Masyado kang maraming iniisip, nakakalimutan mo na ako.”

Siguro kinailangan na talagang umabot sa ganito. Over-polluted na yung utak ko para daanin lang sa mga sa-ingit-ng-kamatayan scenes. Kinailangan Niya nang iparamdam sa akin yng tunay na sakit ‘pag wala siya. Pinaramdam Niya sa sakin yung lungkot at paghihirap ng pag-iisa para malaman kong naliligaw na ‘ko ng landas.

Dati kuntento na ako sa gabay ng mga kaklase ko, nakakaraos na ako ng pasama sama sa kanila pag may kailangang gawin. Pero sa dulo ng lahat, wala pa ring kasiguruhan kung ano nang mangyayari sa’kin. Kulang. Kasi nakalimutan kong unahin Siya. Nakalimutan kong hanapin Siya.

Kahit na alam ko namang may pagkukulang ako, sinubukan kong tumawag sa Kanya isang gabi. Sabi ko, “Lord, makapasa lang ako ngayon magpapakabait na ‘ko sa susunod.” Kaya siguro hindi tinupad ni Lord yung hiling kong yun kasi ayaw Niyang makuntento na lang ako sa ganung sistema. Gusto Niyang magbago ako at nakakalungkot man ay ito na yung paraan Niya para turuan Ako ng leksyon na matagal ko nang hindi matutunan.

Mar 29, 20125 notes
#sinabi
Mukha lang akong masaya.: Kung hindi sinasadya bakit pa-ulit ulit nalang? → makangiti-wagas.tumblr.com

makangiti-wagas:

Sa dinami-daming beses na sinaktan mo siya, palagi na lang bang hindi sinasadya? Tapos magsosorry ka uli. Tapos uulitin mo din? Minsan, nakakasawa na din yung palaging dialogue na “Sorry, di ko na uulitin” o di kaya “Isa pang chance oh, magbabago na ako” hanggang ilang chance ang uubusin mo bago…

BEATRICE.

Mar 29, 20124 notes
#awesome
I'm on Top Blogs

image

Nabanggit lang ng maganda kong tropa na si Mahj na dapat daw akong sumali sa Top Blogs kasi makakagain daw ako ng readers doon. Sinubukan ko. Kaya ayan, tulad mo, tulad nila, tulad nating lahat, may Top Blogs icon na din ako. Cool, e?

Sa pagsali ko dun, nagbrowse na din ako ng mga blogs at masayang malaman na TOP talaga yung mga blogs ng mga nandun. Nakaka-proud na puro Pinoy lahat yun at sa pagsali ko ngayong araw na ‘to, namotivate akong magblog na ng maayos. Hehe!

MABUHAY!

Mar 29, 20124 notes
#blabla
Mar 29, 20122,094 notes
Speaking of theme

Baka may nalilito sa structure ng theme ko. Kung sakali mang may napapadpad doon, please be guided by this post.

Yung title po ng text posts ko ay yung nasa bottom part ng post mismo. Mukha siyang tag e kaya hindi gaanong napapansin. Sorry, hindi ko alam kung pano iibahin yan e kaya eto na lang.

Salamat! Happy reading~

Mar 28, 20121 note
#blabla
That awkward moment when

Kahawig ng theme mo yung theme ng isang famous blogger.

LOLWUT. Kaya pala pagkavisit ko sa page ni Mahj parang may naalala ako. Yun pala page ko na yung naiimagine ko. Hahaha! E kakapalit ko lang kagabi, ka-chat ko pa siya, kaloka naman nagpapalit din pala siya ng theme. Hawig pa yung napili namin. Magaganda nga naman. Haha!

Anyways, dapat na ba akong magpalit? Baka kasi sabihin ng mga super fans ni Mahj ginagaya ko siya. OOOHHH SCARY.

Hehe. Pero ang galing a. Hawig talaga. Naks!

Mar 28, 20122 notes
#blabla #mahjakoto
Try lang.

Minsan na akong nakaramdam ng intense na pagdadamot. Yung tipong gusto ko ako lang yung meron ng isang bagay, ako lang yung nakakaexperience ng magagandang moments. Kahit na pwede ko naman ishare yung mga bagay na yun.

Alam ko hindi maganda kaya sinubukan kong pigilan. May kirot pa rin minsan pero mas masarap pala sa pakiramdam pag may sumasayang tao dahil sayo. Yung sa simpleng tulong na binigay mo, nadagdagan yung taong nakangiti sa mundo.

Aminin man natin o hindi, human nature na ang pag-una sa sarili. Hindi ka mabubuhay kung puro ibang tao ang iniisip mo pero yung equal na pagpapahalaga mo sa kapwa pati na sa sarili mo, yun yung magbibigay ng kaligayahan na hindi mo inaaakalang mararamdaman mo kung magpapaka-makasarili tayo.

Mar 28, 20123 notes
#sinabi
smile, God did not create you to frown :)

WOW.

Salamat. Ayan may smiley na. Haha! :) Parang sayo na yung post e, mas natype-an nila nung ikaw nagpost. Naks! :”>

Mar 28, 20121 note
Insert Smiley.

Minsan nasasagi sa sistema ng tao yung paglayo para maalala sila. Siguro dahil hindi na nabibigyang pansin o nababalewala na lang yung existence nila. Hindi nila namamalayan na iba pala yung dating nun sa taong nilalayuan nila. Yung simpleng paghahangad ng atensyon, sa isang iglap nauuwi sa tuluyan nang pagkalimot. Kaya bago gumawa ng hakbang na hindi natin sigurado kung ikakabuti ba o ikakasira ng isang relasyon, pag-isipang mabuti kasi sobrang hirap kung yung kabaligtaran yung mangyayari.

Kung may balak kang mapag-isa, dapat marunong kang tumayo sa sarili mong paa kahit na hindi mo intensyon na lumisan na ng lubusan.

Mar 28, 20127 notes
#sinabi
Nakakamiss yung mga long text posts

Sobrang busy kahit bakasyon na dapat talaga tapos siguro next week pasukan na naman for summer.

Ang dami dami kong naiisip sa tuwing matutulala na lang ako sa sobrang kapaguran/katamaran na sana ipopost ko tapos pag kaharap ko na PC, wala na. Sabaw na ulit.

Hay. Sa mga followers ko, sana wag kayo tamarin agad sa blog ko. Oo alam ko boring siya ngayon kasi ang dami lang mas dapat unahin at ang dami ko ring blogs na dapat i-update. Salamat sa mga patuloy na sumusoporta.

Bukas ang ask box ko. Visit me. :)

Mar 27, 20121 note
#blabla
One of the best birthday gifts ever. Thank you Mahj. → pasthadpassed.blogspot.com
Mar 27, 2012
#bla
BLA BLA BLA BLA

temporary pa lang po muna itong theme ko. depress depressan e. ayusin ko sa susunod. salamat.

HAPPY BLOGGING!

Mar 26, 20121 note
❒Single ❒Taken ✔20 years old na bukas
Mar 26, 20123 notes
#kopya kay mahj #:D #bla
hay.

Read More →

Mar 24, 20122 notes
WHY HATE BRO!

Nagchecheck ako ng blogs na pwede sanang i-follow. May mga nakitaan naman ako at natype-an at finollow kaso naalarma ako sa dami ng nilaktawan kong blogs, iisa lang yung rason kung bakit napapa-“Okay na sana!” ako sa blogs nila.

Puro HATE yung laman.

Siguro nga natyempuhan ko lang na ganun yung recent posts nila. Hindi pa naman ako nag-backread ng bonggang bongga e.

Pero wala lang, bakit ganun? Ang hilig mangpuna ng tao lalo na sa mga nauusong bagay.

Hindi mabibilang sa daliri yung mga galit na galit sa magnum, hunger games, simsimi. Personally, di ko rin naman trip si simsimi pero cool lang tayo bro. Ganyan talaga mga kabataan. Lam na. :)

For sure naman minsan sa buhay natin naki-ride din tayo sa uso diba? That’s life. Wag stressin ang sarili sa mga bagay bagay na hindi naman natin ikayayaman. Haha! Chaarrrr. :)

Mar 23, 20122 notes
#sinabi
Mar 23, 201210,207 notes
Thank you new followers. I can die happy now.

Hehe. Joke lang.

Big time kasi mga followers e. Naks. Di ko kayo bibiguin. Oha! :)

Mar 22, 20122 notes
#bla
"OMG! I want that ice cream!!!"

Other people:

image

Me:

image

That awkward moment when you became an icecream.

Hahaha! E wala akong makitang gif/jpg ng kumakain ng cookies and cream overload e. Hay.

Pero balak ko pa ring subukan yang magnum na yan nang magkaalaman. Pero wala pa ring tatalo sa cookies and cream. Pag ang magnum nagka-cookies and cream magbibigti ako pag hindi ko natikman. Hahaha! Kung may ulam nga na cookies and cream papatusin ko rin e.

Sana may manlibre ng magnum nang makapg picture din ako at maiyabang ko sa Facebook and Tumblr and Twitter friends ko. :D

Mar 22, 20122 notes
#blabla
Thank you po :)

makangiti-wagas:

image

Maraming salamat po sa pagfollow sa okray kong blog. Hahaha. Sana po di kayo magsawa sa mga wala namang kwenta kong posts =))). Hihi. Ayun, thank you po uli *u*.

Uy ako ‘to a!

Walang anuman. Ako rin kasi kung makangiti wagas e. Haha! Parepareho naman tayong walang kwenta ang posts. Hooray! Haha.

Mar 21, 20122 notes
Next page →
2012 2013
  • January 47
  • February 8
  • March 26
  • April 12
  • May 22
  • June 7
  • July
  • August
  • September
  • October
  • November
  • December
2012 2013
  • January
  • February 7
  • March 44
  • April 16
  • May 29
  • June 18
  • July 9
  • August 32
  • September 32
  • October 60
  • November 26
  • December 24