Hindi ko alam kung bakit at paano ko naaatim i-upload ‘to dito pero dahil awang awa na ‘ko sa kwarto naming hindi na naka-move on simula pa nung Ondoy, eto na ‘to. Sa mismong blog na buong pangalan ko ang domain, pinaglalantaran ko ang daring na suot ng ate ko at ang dance moves na nagpatigil ng LBM ko, sana madiscover kami at maging milyonarya nang walang ibang effort kundi magmukhang tanga. Hahaha!
WE LOVE YOU RYZZA!!!
Forever LSS sa dance craze ni Ryzza. Oo, LSS. Hahaha! At dahil wala pa kaming kopya ng kanta niya (kasi nagvideo agad kami nung pagkanood namin sa prod nya kanina sa Eat Bulaga) e, Call Me Maybe na lang ang ginamit naming bg music.
HI FANS! Number One fan at manager namin yung jowa nya. Woo!
With cameo role ng kapatid kong naghahanap ng owl na bag. Oh yes. Fame come to me. Fame. Fame. Faaaaaaame!!